Magnanakaw ng hayop at barangay tanod patay sa barilan sa Maguindanao

By Erwin Aguilon April 20, 2018 - 03:33 AM

Patay ang isang barangay tanod at isang hindi pa nakikilalang magnanakaw ng hayop sa naganap na barilan sa Barangay Blensong, North Upi, Maguindanao.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may nagaganap na nakawan ng hayop sa lugar dahilan upang rumesponde ang mga pulis, mga barangay tanod at Marine Battalion Landing Team 7 at naabutan ang suspek na may dalang baril.

Sinita ito ng mga awtoridad subalit nagtangka pang tumakas at nakipaghabulan hanggang sa paputukan ng suspek ang responding team.

Tinamaan ng bala at kaagad nasawi ang tanod na si Gilbert Mayo Golde.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad at napatay ang hindi pa nakikilalang suspek.

Nabawi rito ang isang M14 rifle armalite rifle.

Nakatakas naman ang iba pang mga kasama ng suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.