Mga pulis-scalawags, binalaan ni Pangulong Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na sangkot sa ilegal droga, kidnap for ransom at iba pang uri ng krimen kapag sila ay naaresto at nakulong.

Sa talumpati ng pangulo sa PNP Change of Command Ceremony sa Camp Crame, sinabi ng pangulo na si dating PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang sasalubong sa kanila sa New Bilibid Prison.

Ito ay dahil itinalaga ng pangulo si Dela Rosa bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections na direktang namamahala sa bilibid sa Muntinlupa.

Samantala, idinagdag ng pangulo na kaya niya napili si bagong PNP Chief Director General Oscar Albayalde ay dahil sa pagiging mahigpit at istrikto nito sa mga pulis.

Ayon sa pangulo, walang dapat na tanawin na utang na loob si Albayalde kanino man dahil ang pagiging pinuno ng PNP ay dahil sa kanyang sariling credentials.

Read more...