P52M pera na narekober mula sa Maute Group kinumpiska ng AMLC

Kinumpiska Ng Anti-Money Laundering Council ang 52 million pesos na pera na narekober ng militar mula Maute group sa gitna ng giyera sa Marawi City.

Sa Executive Summary ng AMLC 2017 audit, sinabi ng Commission on Audit na naglabas ang AMLC ng freeze order sa lahat ng bank accounts at ibang assets na pag-aari ng Maute group kabilang ang 52 million pesos na pera.

Dagdag ng COA, iniimbestigahan din ng AMLC ang mga bank accounts na may kaugnayan sa grupo.

Kinumpirma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nakuha ng tropa ng gobyerno ang pera mula sa isang bahay na pinag-kutaan ng mga miyembro ng Maute group.

Dagdag ng kalihim, posibleng may iba pang pera na nakatago sa ibang lugar sa Marawi.

Mayroon anyang umaangkin ng pera pero walang inilabas na certification ang ahensya dahil hindi tiyak ang pahayag ng umaangkin.

Read more...