Ayon kay Panel Member Father Ranhilio Aquino, pumayag ang Subcommittee on the Country’s National Territory ng ConCom na palawigin ang Article 1 ng 1987 Constitutuon para isama ang konsepto ng soberanya.
Ang hakbang anya ay magbibigay ng constitutional status sa arbitral judgement na nagdeklara na may karapatan ang Pilipinas sa West Philippine Sea at hindi ito dapat panghimasukan.
Ibig sabihin nito ay pinipilit ng ConCom ang gobyerno na igiit ang sovereign rights sa naturang teritoryo.
Sa panukala ng subcommittee, ang naturang probisyon ng konstitusyon ay hahatiin sa dalawang seksyon at papangalanang “sovereignty over territory” at sovereign rights.”