Pagtutok sa isyu ng P60M na allowance ng SAF, marching order ng DILG kay Albayalde

INQUIRER file photo

Inutusan ng Department of Interior and Local Government ang bagong upong chief Ng Philippine National Police na mag-focus sa pagsuri sa halos 60 million pesos na allowance na hindi naibigay sa mga miyembro ng Special Action Force.

Ito ang unang marching order ni DILG Officer in Charge Eduardo Año kay PNP Chief Oscar Albayalde.

Nais ni Año na tingnan ni Albayalde ang alegasyon ng mga dati at aktibong miyembro ng SAF na hindi sila nabibigyan ng additional subsistence allowance kada araw.

Nagreklamo ang ilang SAF members na ilang buwan na mula noong 2016 na hindi umano sila nakakatanggap ng naturang allowance.

Ayon kay Año, dapat iprayoridad ni Albayalde ang isyu kung paano umano ibinulsa ng mga opisyal ng SAF ang subsistence allowance ng commando troopers.

Read more...