Paglaban sa droga, terorismo at krimen patatatagin pa ni Albayalde – Duterte

Kumpyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na patatatagin pa ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang tagumpay sa paglaban sa droga, terorismo at krimen.

Sa kanyang talumpati sa PNP Change of Command sa Camp Crame, positibo ang pangulo na sa pamunuan ni Albayalde ay lalo pang magtatagumpay sa pagkakaroon ng payapa, patas at maayos na bansa.

Hinimok din ng pangulo ang mga pulis na suportahan si Albayalde na pinalitan si dating PNP Chief Ronald Dela Rosa na uupo naman bilang pinuno ng Bureau of Corrections.

Muli namang iginiit ng pangulo na ipagtatanggol niya ang mga pulis at sundalo sa pagtupad nila sa kanilang tungkulin.

Read more...