Mga bagong pulis isasailalim sa standard SAF training – Albayalde
Nais ng bagong upong PNP Chief na si Director General Oscar Albayalde na ang mga bagong pulis ay sumailalim sa pagsasanay na parang sa mga commando ng Special Action Force.
Sa kanyang talumpati sa PNP Change of Command, sinabi ni Albayalde na gagawing standard ang training sa mga pulis lalo na sa mga bagong police recruits.
Obligado anya ang mga bagong pulis na sumailalim sa standard SAF training bago sila italaga sa iba’t ibang rehiyon.
Magtatayo rin anya ng mga bagong pasilidad kabilang ang mas malaking mga kulungan sa mga istasyon ng pulisya.
Una nang iminungkahi ni Albayalde ang pagtatayo ng eskwelahan na magkakaroon ng standard training sa mga pulis gaya ng pinagdaanan niya noong siya ay naging SAF member.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.