Dating Pangulong Aquino binatikos nina CGMA at Gov. Imee sa pagiging ‘unfriendly’ sa China

By Erwiin Aguilon April 20, 2018 - 12:52 AM

Binatikos nina dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Ilocos Norte Governor Imee Marcos si dating pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa pagiging ‘unfriendly’ sa bansang China.

Sa kanyang talumpati sa mid-term regional conference of the Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. o FFCCCII sinabi nito na bumaba ang bilang ng mga turistang Chinese noong panahon ni Aquino.

Dahil anya sa pakikipagkaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China milyong mamamayan nito ang dumagsa sa Pilipinas upang mamasyal.

Iginiit nito na ngayon ay naging normal na ang relasyon ng Pilipinas at China kung saan ang bansa pa nga anya ang magbibigay ng mga manggagawa sa mga industriya sa China.

Sinisi naman ni Marcos ang Aquino administration dahil sa naging pag-uugali nito at itinuring na kalaban ang China dahilan upang masayang ang mga ‘economic opportunities’ noong panahon ng panunungkulan nito.

Naniniwala rin si Marcos na magbibiyayaan ang bansa sa mabuting pakikipagrelasyon nito sa China ngayon.

Dahil naman sa napipintong pagpapasara sa Boracay Island sa loob ng anim na buwan umapila si Arroyo sa Filipino-Chinese community na tulungan ang pamahalaan na ipakilala sa mga turistang Chinese ang iba pang mga tourist destination sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.