Pagpapa-iksi sa probationary period ng mga private school teachers pinag-aaralan na ng Kamara
Bumuo na ng Technical Working Group ang House Committee on Labor and Employment upang pag-aralan ang pagbabawas sa probationary period para sa mga guro sa mga pribadong paaralan.
Trabaho ng binuong TWG na i-consolidate ang House Bills 4933 at 3184 na naglalayong paiksiin ang maximum probationary employment period ng mga private academic personnel.
Aamyendahan ng panukala ang probisyon ng Labor Code of the Philippines.
Sa ilalim nito, mula sa kasalukuyang tatlong taon na probationary period gagawin na lamang itong isang taon.
Layunin nito na maibigay ang security of tenure para maging regular sa trabaho ang mga guro, librarians, researchers at iba pang empleyado sa private schools.
Paliwanag ni Basic Education and Culture Committee Chairman Mark Go, masyadong mahaba ang 3-years probationary period sa mga private school teachers dahil kaya namang gawin ito sa loob lamang ng anim na buwan hanggang isang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.