Mga police scalawags hihintayin ni Bato sa loob ng Bilibid

By Chona Yu April 19, 2018 - 07:23 PM

Sa talumpati ng pangulo sa Philippine National Police change of command ceremony ay binalaan nito ang mg pulis na sangkong sa kidnapping, carnapping at illegal drugs.

Kapag sila ay naaresto at nakulong ay sasalubungin umano sila sa Bilibid ni incoming Bureau of Corrections Director Ronald Dela Rosa.

Sinabi ng pangulo na kailangan na niya sa Bucor ang kareretiro pa lamang na PNP Chief.

Samantala, muli namang inulit ng pangulo na ang pagiging matapang at tapat sa tungkulin ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit niya napiling PNP Chief si Dir. Oscar Albayalde.

Wala umanong dapat na tanawin na utang na loob sa kanya si Albayalde dahil siya mismo ang gumawa ng kanyang credentials na akma lamang bilang pinuno ng pambansang pulisya.

Sa kanyang talumpati kanina, sinabi naman ni Albayalde na ipagpapatuloy niya ang paglilinis sa hanay ng mga pulis.

Kasama rin sa kanyang prayoridad ay ang pagpapatuloy ng war on drugs katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan.

Nagpasalamat rin siya sa kanyang mga kasamahan sa PNP sabay ang hamon sa mga ito na sumama sa kampanya para mapatino ang kanilang hanay.

TAGS: albayalde, bucor, dela rosa, duterte, pnp cheif, albayalde, bucor, dela rosa, duterte, pnp cheif

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.