Labor official sisibakin kundi nag-resign ayon sa Malacañang
Ibinunyag ng Malacañang na sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Usec. Dominador Say kung hindi ito nagbitiw sa puwesto noong Martes, April 17.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isyu sa kurapsyon ang naging basehan ng pangulo kay Say.
Sa pagkakaalam ni Roque, nasangkot si Say sa aktibidad sa labor recruiters at sa DOLE mismo.
Sinabi pa ni Roque na matagal nang nakapila si Say sa mga opsiyal na sisibakin ng pangulo.
Pero ayon kay Roque, hindi niya ito agad na inanunsyo sa publiko dahil naghihintay pa siya ng go signal mula sa pangulo.
Ayon kay Roque, ipinauubaya na ng palasyo sa Office of the Ombudsman at sa Presidential Anti-Corruption Commission kung hahabulin pa o kakasuhan si Say.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.