Duterte nagtalaga ng bagong Comelec commissioner

By Chona Yu, Den Macaranas April 19, 2018 - 02:58 PM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga commissioner ng Commission on Elections (Comelec) si Court of Appeals Associate Justice Socorro Balinghasay-Inting.

Pinalitan ni Inting ang nagretirong si Commissioner Arthur Lim.

Si Inting ay senior member ng C.A 12th Division sa loob ng siyam na taon at nagmula sa Davao City.

Nagsimula siya sa kanyang government career bilang abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) hanggang sa siya ay mahirang bilang prosecutor sa nasabing lungsod bago naitalaga sa kahalintulad na posisyon sa Cebu at Maynila.

Taong 1997 ay na-appoint si Inting bilang hukom sa Makati Metropolitan Trial Court at naitalaga rin bilang judge sa Manila Regional Trial Court.

Noong November 6, 2009 ay itinalaga siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang mahistrado sa Court of Appeals.

Ang bagong Comelec commissioner ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo De Davao University.

Sa kasalukuyan ay may isa pang bakanteng posisyon sa Comelec, ito ay ang binakanteng pwersto ni retired Commissioner Robert Lim.

TAGS: comelec, commissioner, court of appeals, duterte, inting, lim, comelec, commissioner, court of appeals, duterte, inting, lim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.