VP Leni Robredo umapela sa Korte Suprema na ikunsidera ang 25% threshold shading sa mga balota

Inquirer Photo | Grig c. Montegrande

Naghain sa Korte Suprema ng motion for reconsideration si Vice President Leni Robredo kaugnay sa isyu ng ballot shading sa ilang balota.

Nais ni Robredo na maikunsidera ng Presidential Electoral Tribunal ang 25 percent shading sa mga balota.

Ito ay matapos igiit ng PET na walang silang nalalaman na resolusyon ng Comelec para ibilang na ang 25 percent shaded ballot.

Sa kanyang mosyon iginiit nito na noon pang 2016 ay pinapayagan na ang 25 percent shading sa pagboto.

Hiniling din ni Robredo sa PET na utusan ang mga head revisors na gamitin na rin ang 25 percent threshold percentage sa ginagawang manual recount ngayon.

Binanggit din ng kampo ni Robredo na nito lang Enero 16 nangg piliin ng PET ang revisors guide ng Comelec sa automated election system kayat dapat lang umano na tanggapin na ang 25 percent threshold shading sa mga balota.

Sumulpot din sa Korte Suprema ang ilang tagasuporta ni Robredo kasama na si dating Commission on Human Rights Comm Etta Rosales.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...