Japanese national arestado sa Zamboanga City sa kasong pagpatay sa misis na Pinay
Arestado ang isang 73 anyos na Japanese national sa Zamboanga City sa kasong pagpatay sa kaniyang asawa.
Ang suspek na si Kiyoshi Hana Niida ay dinakip ng mga otoridad sa bahay nito sa Callejon Drive sa Barangay Guiwan.
Ayon kay Senior Superintendent Neri Ignacio, direktor ng Zamboanga City police tinukoy si Kiyoshi na siyang nag-utos para patayin ang Pinay niyang misis na si Majen Curambao.
Tatlo umano ang inutusan ng dayuhan para isagawa ang krimen noong nakaraang taon, pero hindi pa nadadakip ang tatlo.
Ani Ignacio, subject si Kiyoshi ng warrant of arrest sa kasong parricide na inilabas ni Judge Shaldilun Bangsaja ng Regional Trial Court Branch 22.
Walang inirekomendang piyansa para sa paglaya ni Kiyoshi na ngayon ay nakakulong sa Divisoria Police Station.
Patuloy na tinutugis naman ng mga otoridad ang tatlong kasabwat ng dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.