Barangay tanod sa Taguig arestado matapos mahulihan ng P10M halaga ng shabu

Kuha ni Jan Escosio

Arestado ang isang Barangay tanod na nahulihan ng P10 milyong halaga ng shabu sa Taguig City.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., ang naarestong si Suwaib Mamalangkay, 35-anyos, na tanod sa Barangay Central ay lider ng isang crime group na sangkot din sa armed robbery, carnapping at gun for hire.

Bukod sa dalawang kilo ng shabu na nakuha sa kanya nakuha din sa kanya ang isang .45 na baril, granada at drug paraphernalia.

Dagdag pa ni Apolinario suspek din si Mamalangkay sa pagpatay sa kanyang asawa at panghoholdap sa isang karinderya sa Paranaque City Nobyembre ng nakaraang taon.

Una na siyang naaresto noong 2015 sa kasong murder ngunit pinalaya ng korte.

Alas 7:00 ng umaga ng Huwebes nang isagawa ng District Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation kay Mamalangkay sa Barangay Maharlika.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...