MPD nanawagan ng payapang pagkilos sa Labor Day

By Ricky Brozas April 19, 2018 - 10:27 AM

Inquirer File Photo

Ilang araw bago ang araw ng paggawa ay nanawagan ang Manila Police District(MPD) sa ibat-ibang grupo na gawing mahinahon ang isasagawang mga pagkilos sa Labor Day, May 1.

Sinabi ng pamunuan ng MPD, sa bisperas pa lamang ng Labor Day, ay maglalatag na rin sila ng sapat na puwersa para magbigay seguridad sa mga inaasahang kaliwa’t kanang kilos protesta sa lungsod partikular na sa tanggapan ng DOLE.

Tiniyak namang muli ng MPD na hindi magmumula sa pulisya ang tensiyon laban sa mga magsasagawa ng demonstrasyon.

Sinabi ni MPD Spokesman, Supt. Erwin Margarejo, iyan ay dahil paiiralin nila ang utos ng PNP na maximum tolerance.

Tatangkain din ng MPD na makipag-ugnayan sa mga grupong magkikilos-protesta para pakiusapan ang mga ito na gawing mapayapa ang ikakasang pagkilos sa lungsod.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DOLE, Labor Day, MPD, Rally, DOLE, Labor Day, MPD, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.