Pagpunta sa Kuwait ni Pangulong Duterte, tuloy na sa Mayo – DFA

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 19, 2018 - 09:46 AM

Tuloy na ang pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait sa susunod na buwan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Mayo nakatakda ang pagbisita ng pangulo sa Kuwait para saksihan ang paglagda sa kasunduan na naglalaman ng pagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.

Sa ngayon pinaghahandaan na aniya ng DFA ang naturang biyahe ng pangulo.

Kabilang sa lalamanin ng kasunduan ang hindi pagkuha ng mga employer sa pasaporte ng mga Pinoy, bigyan sila ng maayos at patas na labor conditions, at bigyan ng rest day.

Sa sandaling malagdaan ang kasunduan, hindi pa malinaw kung aalisin ang ipinataw na total ban sa pagpapadala ng OFWs sa Kuwait.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DFA, DOLE, kuwait, MOU, OFWs, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, DFA, DOLE, kuwait, MOU, OFWs, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.