VIRAL: Pagwawala ni Rep. Rolando Andaya Jr. sa istasyon ng pulis sa Cam Sur, nakuhanan ng video

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 19, 2018 - 08:50 AM
Bicol Politics FB Page

Viral ngayon sa Facebook ang video ng pagwawala ni Camarines Sur 1st District Rep. Rolando Andaya Jr., sa isang istasyon ng pulis.

Sa nasabing video, makikitang sumisigaw si Andaya habang inaawat sa harapan ng Pili Police station.

Nasa loob noon ng nasabing himpilan ng pulisya si Camarines Sur 2nd District Rep. L-Ray Villafuerte.

Maririnig sa video na unang ibinahagi sa Facebook page ng “Bicol Politics” ang pagsigaw ni Andaya ng “Humanda ka na tapos na araw mo.

Nakasaad sa caption ng video na inatake umano ni Andaya ang mga tauhan ng Sagip Kalikasan.

Nagtungo si Andaya sa istasyon ng pulis makaraang lumapit sa kaniya ang alkalde ng Pili hinggil sa mga nakahambalang na truck na may kargang mga panambak.

Pagdating doon ay naging tensyonado ang sitwasyon at base sa inupload na video ay kitang galit at nagsisisigaw si Andaya habang siya ay inaawat.

Halata namang may mga nawalang bahagi o pinutol sa video na naka-upload sa Facebook.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bicol, Radyo Inquirer, Rolando Andaya Jr, Trending, viral video, Bicol, Radyo Inquirer, Rolando Andaya Jr, Trending, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.