Islandwide blackout naranasan sa Puerto Rico
Nakaranas ng power line failure sa Southern Puerto Rico dahilan para mawalan ng kuryente ang aabot sa 3.4 million na mga bahay doon.
Sa pahayag ng Puerto Rican Electric Power Authority o PREPA, ginagawan na umano ng paraan ng kanilang technical personnel ang problema pero aabutin pa ng 24 hanggang 36 na oras bago maibalik ang serbisyo ng kuryente.
Kabilang sa mga apektado ang mga isla ng Culebra at Vieques.
Noong Setyembre ng nakaraang taon, winasak ng hurricane maria ang power grid sa Puerto Rico.
Katunayan hindi pa nga ganap na naibabalik ang suplay kuryente sa ilang mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Maliban sa pinsalang idinulot ng Hurricane Maria, nakararanas din ng bankruptcy ang PREPA kung saan aabot sa 9 billion dollars ang kanilang pagkakautang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.