Mga barkong ginagamit sa smuggling dapat wasakin na lang o gawing artificial reefs ayon sa isang senador

By Jan Escosio April 19, 2018 - 07:12 AM

Kung papayagan din naman ng batas, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat ay wasakin, ilubog at gawing artificial reefs na lang ang mga barko na ginagamit sa pagpapasok ng mga kontrabando sa bansa.

Nakikita ni Recto na maaring maging mabisang paraan ito para mabawasan ang smuggling sa bansa partikular na ng mga produktong pagkain na nagpapahirap sa buhay ng mga lokal na magsasaka.

Ngunit paglilinaw ng senador ang kanyang tinutukoy na mga barko ay naglalaman lang ng isang uri ng mga kontrabando at alam ito ng mga tripulante.

Ginawa ni Recto ang suhestiyon matapos maharang sa Zamboanga ang isang banyagang barko na may kargang 8,000 sako ng puslit na bigas.

Dagdag pa nito, base sa Customs Modernization and Tariff Act sa bansa maaring kumpiskahin ng awtoridad ang isang barko kung may mga paglabag.

Binanggit pa nito na sa nakalipas na limang taon, aabot sa P200 bilyon halaga ng mga produkto mula sa bukid ang ipinuslit sa bansa na ikinalugi ng hanggang P80 bilyon sa buwis ng gobyerno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ralph recto, Senate, smuggling, ralph recto, Senate, smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.