Kaso ng OFW na pinainom ng bleach ng amo sa Saudi Arabia, pinabubusisi ng Malakanyang
Inatasan na Palasyo ng Malakanyang ang iba’t ibang sangay ng gobyerno para busisiin ang kaso ng pang-aabuso sa isang OFW sa Saudi Arabia.
Ayong kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go dapat nang busisiin ang kaso ni Agnes Mancilla na pinainom ng bleach ng kanyang amo.
Sinabi ni Go na nakikipagugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga concerned agencies para makagawa ng legal action upang makamit ang hustisya para kay Mancilla.
Tiniyak din ni Go na bibigyan niya ng assistance ang pamilya nito dito sa Pilipinas.
Ayon kay Go kaisa niya at ng buong pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahangad ng tunany na katarungan para sa OFW.
Iginiit pa ni Go na makailang beses nang sinabi ng pangulo na ginagawa ng pamahalaan para hindi na mangibang bansa ang karamihan sa mga Pilipino at mawalay sa kani-kanilang pamilya para kumita ng malaking pera.
Matatandaan na isinailalim na sa operasyon si Mancilla matapos pwersahang painumin ng household bleach ng kanyang amo nang magkamali ito sa paghahanda ng chaa ng kanyang employer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.