Pangulong Duterte pinagrereport na sa MARINA si dating AFP Chief of Staff Rey Guerrero
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero na agad na magreport sa kanyang bagong tanggapan sa Maritime Industry (MARINA).
Sa talumpati ng Pangulo sa Change of Command ng Armed forces of the Philippines sa Kampo Aguinaldo, Quezon City, sinabi nito na dapat nang magreport sa trabaho si Guerrero sa susunod na linggo.
Pabir pang sinabi ng pangulo na inaalikabok na ang upuan ni Guerrero sa MARINA sa tagal anyang walang nakaupong pinuno matapos sibakin ng pangulo si Marcial Amaro III mistulang multo na ang nakatira sa naturang tanggapan.
Matatandaan na matagal nang itinalaga ng pangulo si Guerrero sa MARINA pero pinalawig pa nito ang termino bilang AFP Chief of staff dahil sa giyera sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.