ITCZ, magpapaulan sa Mindanao – PAGASA

Apektado ng Intertropical convergence zone o ITCZ ang Mindanao.

Dahil dito, makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang buong Mindanao kasama ang mga lalawigan ng Southern Leyte at Bohol.

Ayon sa PAGASA, maaring magdulot ng pagbaha o landslides ang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa magiging maaliwalas ang panahon at makararanas lamang ngn isolated na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...