Naka-reserba kay People’s Chmap Manny Pacquiao ang isang Senatorial slot ng Liberal Party para sa susunod na eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay L.P Politicial Committee Head at Caloocan City Rep. Edgar Erice, malaking tulong sa partido kung magiging kabahagi nila si Pacman sa pagpapatuloy ng tuwid na daan ng kasalukuyang administrasyon.
Kinumpirma rin ni Erice na lahat sila ay nabigla sa pag-atras ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang kandidatura bilang Senador.
Ipinaliwanag ni Erice na si Bistek ang lumapit at humingi ng ayuda ng Pangulo para makasama ang kanyang pangalan sa mga tatakbo sa ilalim ng Administration Party at hindi man lamang daw sinabihan ng Alkalde na aatras ito sa naunang nilang kasunduan.
Bukod kay Bautista, sinabi ni Erice na inalis na rin sa listahan ang pangalan ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino makaraang hilingin mismo ng dating opisyal ang naturang bagay.
Bukod sa mga dating nabanggit na mga pangalan, pasok na rin sa listahan ng LP sina Philippine Tourism Authority Chief Mark Lapid, dating Akbayan Partlist Rep. Risa Hontiveros at dating Energy Sec. Jericho Padilla.
Kinumpirma rin ng Liberal Party na nililigawan nila si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares para mapasama sa senatorial line-up pero hanggang ngayon ay wala pang opisyal na tugon ang opisyal.
Makaraang ma-unsyami noong Biyernes, ipinagyabang ng LP na na sa Lunes ay ihahayag na raw nila ang buo at kumpletong listahan ng kanilang Senatorial slate sa isang malaking event na gaganapin sa Cubao sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.