Outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa, umikot sa Camp Crame para magpaalam sa mga tauhan

Emosyonal na nagpaalam si outgoing PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa mga units sa Kampo Crame na pinaka-malapit sa kanyang puso.

Ilang oras bago ang kanyang pormal na pagreretiro, inikot at dinalaw ni Dela Rosa ang mga opisina sa kampo upang magpasalamat at magpaalam.

Ayon kay Dela Rosa, ang Counter-Intelligence Task Force ang number 1 para sa kanya dahil sa matagumpay na “internal cleansing” ng mga police scalawags.

Nagpasalamat rin si Dela Rosa sa mga miyembro ng PNP Drug Enfocement Group dahil sa matagumpay na kampanya sa kontra-droga.

Pero, nagpaalala si Bato sa mga miyembro ng PDEG na dati ay kilala bilang PNP Anti-Illegal Drugs Group na kalimutan na at mag-move on sa madilim na yugto kung saan nasangkot ang ilang miyembro nito sa pagkamatay ng Korean businessman na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng kampo.

Nagbigay rin ng kanya-kanyang token of appreciation ang mga units sa magreretirong PNP Chief.

Maluha-luha si Dela Rosa nang haranahin, at bigyan ng mga rosas ng mga babaeng miyembro ng PDEG.

Nangako rin si Bato na kahit pa wala na siya sa serbisyo, patuloy niyang babantayan ang trabaho ng PNP na kanyang minsang pinamunuan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...