Ayon kay Guevarra, walang dahilan para mag-panic agad dahil kukuha siya ng update sa kaso matapos na ilutang ni Judge Georgina Hidalgo ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 122 ang isyu ng hurisdiksyon sa pagpapatuloy ng paglilitis kina PO1 Ricky Arquilita at PO1 Jeffrey Perez.
Inamin na ng mga prosecutors ng DOJ na nagkamali sila matapos nilang hilingin sa hukom na payagan silang magsampa ng kasong murder laban kina Arquilita at Perez sa Navotas City.
Una nang sinabi ng testigo ng prosekusyon na si Joe Daniels na sa Navotas totoong pinatay si Arnaiz at hindi sa Caloocan.
Iginiit naman ng DOJ prosecutors na pwede pa ring hawakan ng hukom ang hiwalay na kasong torture at planting of evidence laban sa dalawang pulis dahil ginawa ang krimen sa Caloocan.
Pero sinabi ng kalihim na ang isyu ng hurisdiksyon ay hindi dapat makaapekto sa merito ng kaso.