Panukala para palakasin ang turismo lusot na sa komite sa Kamara

Kasabay ng napipintong anim na buwang pagpapasara sa Boracay Island, inaprubahan ng House Committee on Tourism ang panukala para sa pagbuo ng Tourism Resiliency Certification Program o TRCP.

Ayon kay Leyte Rep. Lucy Torres-Gomes, pinuno ng komite layunin ng House Bill 6093 alamin ang mga banta sa local tourism industry at gumawa ng mga ‘compliance measures’ para sa Registered Tourism Enterprises at Tourism Enterprise Zones.

Paliwanag nito, maraming mga insidente sa mga nakalipas na panahon kaya kailangan nang gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang ‘tourism industry’.

Kabilang anya rito ang pag-atake sa Resorts World Manila, karahasan sa Europa at ang giyera sa Marawi City.

Layunin ng panukala na lumikha ng ‘fail-safe regulatory and administration system’ na siyang magbibigay ng proteksyon sa ‘tourism industry’ laban sa mga banta tulad ng karahasan, terorismo, environmental degration at climate change.

Sa ilalim nito ang bubuuing Philippine Tourism Risk Assessment Framework ang aalam sa mga aktwal at mga posibleng banta sa industriya.

Pangungunahan ng Department of Tourism ang bubuuing TRCP ng technical working group mula sa iba’t-ibang stakeholders.

Read more...