Suspek sa pagpapakalat ng nakalalasong alak sa Indonesia naaresto na

By Justinne Punsalang April 19, 2018 - 12:20 AM

AP Photo

Inaresto ng Indonesian police ang hinihinalang pinuno ng bootleg liquor empire na responsable sa pagkamatay ng aabot sa 100 katao matapos makainom ng nakalalasong alak sa Indonesia.

Nakilala ang suspek na si Samsudin Simbolon, na nahuli sa isang plantasyon ng palm oil sakatimugang bahagi ng Sumatra, Indonesia.

Ayon sa tagapagsalita ng West Java Police na si Trunoyudo Wisnu Andiko, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na posibleng ginamitan ng nakalalasong methanol ang alak na kumalat sa bansa.

Partiklar na nabiktima ng pagkamatay dahil sa nakalalasong alak ang West Java at Jakarta.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang maygawa at distributor ng nakalalasong alak sa black market. Kasabay nito ang interrogation na ginagawa kay Simbolon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.