Mga miyembro ng grupong Piston na sumama sa mga tigil-pasada kinastigo ng LTFRB

By Jong Manlapaz April 18, 2018 - 04:47 PM

Humarap sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang tsuper na miyembro ng grupong Piston matapos silang ipatawag makaraang dumalo sa ilang mga tigil-pasada o transport strike.

Sa nasabing pagdinig ay binasa sa mga kasapi ng Piston ang reklamo inihain laban sa kanina.

Isang tsuper naman ang nangatwiran na kinuha siya para magsilbing driver ng service vehicle ng grupo sa ibang lugar kaya hindi ito nakabyahe pero pinagsabihan lamang ito ni Board Member Aileen Lizada dahil kailangan umanong nag-apply siya ng special permit..

Ito ay dahil isang pampasaherong jeepney ang kanyang ginamit na sasakyan na pumasok sa ibang lugar na labas sa kanyang prangkisa.

Hindi naman dumalo o sinamahan ng tagapangulo ng piston na si George San Mateo ang kanyang mga miyembro ng humarap sa LTFRB.

Nauna dito ay sinabi ng ahensiya na aalisan nila ng prangkisa ang mga jeepney operators na sasama sa anumang uri ng transport strike.

Ipinaliwanag naman ni Lizada na dadaan sa tamang proseso ang lahat ng reklamong kanilang tinanggap na reklamo laban sa Piston.

Kapag napatunayang sinadya nilang isabotahe ang byahe sa loob ng kanilang prangkisa ay kaagad nilang babawiin ito.

TAGS: ltfrb, PISTON, transport strike, ltfrb, PISTON, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.