P2 kada minuto na dagdag singil sa pamasahe tama lang ayon sa Grab
Nagpaliwanag sa publiko ang pamunuan ng Grab Philippines hingil sa umano’y biglaang pagtaas ng kanilang singil.
Ayon sa legal counsel ng Grab na si Atty. Miguel Aquila, tama lang at walang over-charging sa kanilang pamasahe.
Bagkus ay iginiit ng Grab na legal umano ang P2 per minute travel charge na kanilang pinataw,
Dahil may dokumento umano sila mula sa Department of Transportation na nagsasabi na may kalayaan silang magpatanaw ng sarili nilang pamasahe.
Nilinaw din nito na ang 80-percent sa P2 na kada minuto na sinisingil nila ay napupunta sa kanilang mga partner-drivers at 20-porsiento lamang umano ang napupunta sa Grab.
Kung sakali naman na mapatunayan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagmalabis ang Grab sa pamasahe ay nakahanda silang tumalima sa kung anuman ang kautusan ng nasabing ahensiya.
Sa susunod na linggo ay muling haharap sa pagdinig sa tanggapan ang pamunuan ng Grab para sagutin ang ilan pang mga reklamo na ipinarating ng publiko sa LTFRB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.