Hindi pag-release sa P58M na allowance para sa SAF, paiimbestigahan sa Senado

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 18, 2018 - 12:43 PM

Nais ni Senator Panfilo Lacson na maimbestigahan ng senado ang hindi pagre-release sa P58 milyon na halaga ng allowances para sa mga tauhan ng Special Action Force ng Philippine National Police.

Sa Senate Resolution 712, ang pagpigil sa paglalabas sa nasabing halaga ay maaring magdulot ng demoralisasyon sa hanay ng mga tauhan ng SAF na pawang mga frontliner sa pagbalan sa terorismo at iba pang krimen.
terrorism and criminality.

Sa resolusyon, ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang mangunguna sa imbestigasyon.

Ani Lacson, kinakailangang matignan muli ang btas at pagpapatupad nito hinggil sa paglalaan ng pondo sa mga tauhan ng PNP para matiyak na matatanggap nila ng tama ang kanilang benepisyo.

Ayon kay Lacson maliban sa sweldo ang mga tauhan ng SAF ay dapat tumatanggap ng arawang additional subsistence allowance o ASA na P30 kada araw o P900 kada buwan at mayroon din silang EOD Hazardous Pay.

Pero sa rekord, lumitaw na noong January 2016 at January hanggang July 2017 lang tumanggap ng ASA ang mga tauhan ng SAF.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: panfilo lacson, PNP, Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Special Action Force, panfilo lacson, PNP, Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, Special Action Force

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.