Status ng mga manggagawa ng isa pang fast food chain, pinasisilip ni Pangulong Duterte

By Chona Yu April 18, 2018 - 12:28 PM

Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-sertipika bilang urgent bill ang nakabinbing panukalang batas sa kongreso na nagbabawal sa end of contractualization o endo sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, base ito sa naging rekomendasyon ni Executive Secretary Salvador Medialdea para tuluyang matuldukan ang endo.

Paliwanag ni Bello, habang pinag-aaralan ang isang Executive Order na inaasahang ilalabas ng Pangulo kaugnay sa endo ay ipinanukala ni Medialdea ang posibilidad na madaliin para agad na maisabatas ang anti Endo Bill.

Samantala, sinabi ni Bello na gaya ng Jollibee pinasisilip na rin ng pangulo ang iba pang fast food chain sa bansa para gawing regular na rin ang kanilang trabaho.

Partikular aniya na pinasisilip ng pangulo ang kalaban ng Jollibee na McDonald’s.

Ayon kay Bello, kahit wapa pang EO laban sa endo, ay may batas naman nagtatakda kung sino-sino ang dapat na ma-regular at kung aling trabaho naman ang dapat ay contractual lamang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: contractualization, end of contract, McDonald's, Radyo Inquirer, Salvador Medialdea, contractualization, end of contract, McDonald's, Radyo Inquirer, Salvador Medialdea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.