Paghahain ng COC ng mga kakandidato sa Barangay at SK elections walang extension ayon sa Comelec

By Rohanisa Abbas April 18, 2018 - 11:54 AM

COC Filing sa Comelec – Manila | Photo from Comelec

Hindi na palalawigin pa ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng certificates of candidacy (COCs).

Ayon kay Comelec spokesperson Jamez Jimenez hanggang alas-5:00 ng hapon ng Biyernes, Arpil 20 lamang ang paghahain ng COCs sa pinakamalapit na Comelec center.

Nakapagtala na ang Comelec ng higit 100,000 application. Sinabi ni Jimenez na mababa pa ang bilang na ito kung ikukunsidera ang dami ng posisyong tatakbuhan.

Ayon sa Comelec, mayroong 31,900 chairmanships at 263,000 council positions ang tatakbuhan sa eleksyon ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Binuksan ang paghahain ng COCs noong April 14, Sabado.

Magsisimula naman ang kampanya sa May 4 at magtatapos sa May 12.

Isasagawa naman ang halalan sa May 14.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: barangay, Comelec COC Filing, elections, Radyo Inquirer, sk, barangay, Comelec COC Filing, elections, Radyo Inquirer, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.