Bilang ng mga sumukong miyembro ng NPA umabot na sa 7,000

By Mark Makalalad April 18, 2018 - 11:43 AM

Radyo Inquirer File Photo

Pumalo na sa halos 7, 000 ang bilang ng mga sumukong miyembro ng New People’s Army sa unang bahagi ng taon.

Sa tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mula Enero hanggang Abril 15 ng taon na ito nasa 6,709 na ang bilang ng mga sumukong rebelde sa pamahalaan.

721 dito ay mga regular na NPA at miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokal, 513 mula sa Militia ng Bayan, 712 underground organizations members at 4,761 mass supporters.

Pagdating naman sa paglaban sa terorismo, malayo na rin ang narating ng AFP sa pamumuno ni General Rey Guerrero.

Bunga ng pinaigting na operasyon, aabot sa 81 local terrorist na ang kanilang napaslang, 280 ang naaresto at 96 ang napasuko.

Una nang ipinagmalaki ni Guerrero na nalampasan ng AFP ang target na kanyang itinakda sa simula ng kanyang panunungkulan na bawasan ang pwersa ng NPA bago matapos ang taon.

Malaking bagay umano ito dahil malaking bilang ng nga napasuko ay mga miyembro ng mass-based organizations.

Nabatid kasi na mula sa pagiging miyembro ng mass-based organization, ga-graduate ang mga ito para maging regular members ng NPA, hanggang sa umangat sa pagiging party member.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: NPA Members, Radyo Inquirer, NPA Members, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.