Ititigil na ng Estados Unidos ang pagbuo ng bagong armed group sa Syria na dapat sana’y lalaban sa mga extremists sa bansa.
Sa halip magbibigay na lamang sila ng mga karagdagang kagamitang panlaban sa mga grupong matagal nang buo.
Ito ay matapos batikusin ang $500 milyong programa ng Amerika nang lumabas na ang mga ibinigay nilang vehicles at ammunitions sa mga sinasanay nilang bagong rebelde ay napunta rin lamang sa mga extremists.
Napag-alaman rin kamakailan lamang na apat o lima lamang sa mga ito ang nasa Syria.
Layunin sana ng programa na sanayin at bigyan ng armas ang nasa 5,400 na mandirigma, at inaasahan pa nila itong dumami ng hanggang sa 15,000 sa susunod na taon.
Ngunit dahil nga sa mga kinakaharap na pagsubok, pansamantala munang itinigil ito.
Sa halip din na isa-isa nilang sasanayin ang bawat mandirigma, titipunin na lamang nila ang mga pinuno ng mga pwersa doon at sila na lamang ang isasailalim sa matinding pagsasanay nang sa kalaunan ay sila na lamang ang magpasa ng kaalaman sa mga pinamumunuan nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.