PUP top choice ng mga employer sa pag-hire ng fresh graduates – Jobstreet

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 18, 2018 - 10:45 AM

Ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang number 1 choice ng mga employers sa pag-hire ng mga bagong graduates.

Batay sa “2018 Fresh Graduate Report” ng Jobstreet, maliban sa PUP, kasama din sa top 10 na mga eskwelahan na pinagkukunan ng empleyado ng mga kumpanya ay ang UP, Ateneo, UST, PLM, FEU, DLSU, TIP, University of San Carlos at University of Cebu.

Sa pag-hire ng mga bagong graduates, sinabi ng Jobstreet na tatlong qualities ang tinitignan ng mga employers, kabilang dito ang kagustuhang matuto, personal grooming, at kakayahang makipagtrabaho sa isang team.

Samantala, lumitaw din sa nasabing report na 24 percent ng mga employer ang handa na mag-hire ng 1st batch ng K-12 graduates, habang 25% naman ang nagsabing “hindi”.

Ang nasabing 24 percent na mga employer ay mula sa industriya ng BPO, manufacturing, professional services, retail at machinery & equipment.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2018 Fresh Graduate Report, Ateneo, DLSU, FEU, Jobstreet, PLM, tip, University of Cebu, University of San Carlos, up, UST, 2018 Fresh Graduate Report, Ateneo, DLSU, FEU, Jobstreet, PLM, tip, University of Cebu, University of San Carlos, up, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.