5 insidente ng pagpatay na posibleng may kinakalaman sa eleksyon, naitala ng PNP
Limang insidente ng pagpatay ang tinitignan ngayon ng Philippine National Police kung may kaugnayan sa magaganap na halalan sa Mayo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao na limang insidente na ng pagpatay ang kanilang naitala na posibleng election related.
Ito ay dahil pawang mga barangay officials ang biktima o suspek sa mga insidente.
Sa ngayon nasa mahigit 5,700 na mga barangay ang itinuturing ng PNP na election watchlist of areas. Sa nasabing bilang pinakaraming barangay ay mula sa Region 5.
Sinabi ni Bulalacao na sesentruhan ng PNP ang mga lugar na nasa election watchlist dahil sa mainit na sitwasyon ng pulitika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.