Usec. Dominador Say, nagbitiw sa DOLE

By Rohanisa Abbas April 18, 2018 - 09:17 AM

Nagbitiw na sa pwesto si Labor Undersecretary Dominador Say.

Ipinahayag ni Say na ginawa niya ito para isalba si Labor Secretary Silvestre Bello III mula sa mga akusasyon na pinapaboran ng kalihim ang employers pagdating sa usapin ng kontraktwalisasyon.

Itinanggi ni Say na siya ay pro-management o kumakampi sa employers. Aniya, may mga kaibigan din naman siya sa sektor ng paggawa.

Aminado ang nagbitiw na undersecretary for policy, employment and regional operations na hirap siya sa kanyang tungkulin. Sinabi ni Say na bilang abogado, sumusunod siya sa legalities sa kanyang paggawa ng mga polisiya.

Aniya, pinapayagan ng batas ang labor contracting.

Ayon kay Say, hindi naman ito ang kinukwestyon ng labor sector, pero iginigiit nila na ayon din sa batas, may kapangyarihan at pribilehiyo ang labor secretary na itigil ang kontraktwalisasyon.

Gayunman, ani Say, hindi ito ang interpretasyon. Dagdag niya, napagkakamalan siyang pumapabor sa employers dahil sa paraan ng paghayag ng kanyang mga pananaw.

Ipinagtanggol ni Say si Bello sa mga nagsasabing promanagement ang kalihim. Aniya, ito ay dahil sa malambot ang kalohom sa employers. Iginiit ni Say na kung totoo ito, hindi pipisilin ni Bello ang employers na gawing reggular ang 300,000 manggagawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DOLE, Dominador Say, Radyo Inquirer, DOLE, Dominador Say, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.