Dela Rosa, kinumpirmang nagsauli ng P37M ang dating budget officer ng SAF

By Mark Makalalad April 18, 2018 - 09:03 AM

Inquirer.net Photo

P37 milyong ang umano’y isinauli ng dating budget officer ng Special Action Force (SAF) na si Senior Supt. Andre Dizon.

Ito ang kinumpirma ni outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa sa gitna ng kontrobersya ng umano’y “nawawalang” P60 milyong pondo ng SAF para sa subsistence allowance.

Kasunod nito, sinabi ni Dela Rosa inamin sa kaniya ni dating SAF Director Benjamin Lusad na hindi nito natutukan ng husto ang problema sa subsistence allowance ng mga SAF troopers dahil mas naging abala siya sa mga operational matters sa field.

Kaniya ring sinabi na ang pondo ay hindi naman talaga nawawala pero hindi lang naibigay sa mga tropa.

Sa tanong naman kung bakit P37 million lang sinbi ng pinuno ngaun ng SAF na si Dir. Noli Taliño na hindi pa namam talaga malinaw kung P59 million talaga ang kabuuang halaga mg allowance na umanoy hindi naibigay.

Pero sa ngayon, sinabi nya na sinimulan na nila ang pamamahagi sa SAF ng subsistence allowance na P30 kada araw o P900 bawat buwan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: PNP, Radyo Inquirer, SAF, PNP, Radyo Inquirer, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.