Pumanaw na sa edad na 92 si Barbara Bush, asawa ng ika-31 presidente ng US na si George H.W Bush at ina ng ika-43 presidente ng US na si George W. Bush.
Ang pagpanaw ay kinumpirma ng tagapagsalita ng pamilya Bush na si Jim McGRath.
Sa kaniyang tweet, inilahad ni McGrath ang statement ng pamilya,
April 17, 2018, oras sa Amerika nang pumanaw ang dating Unang Ginang.
Inulila nito ang kaniyang 73 anyos na mister, limang anak at kani-kanilang asawa, 17 apo, at 7 apo sa tuhod.
Noong April 15 inanunsyo ng pamilya na hindi maganda ang lagay ng kalusugan ni Barbara Bush at nagpasya ito na huwag nang sumailalim sa medical treatment.
Dumanas ng chronic obstructive pulmonary disease at congestive heart problems si Bush sa nagdaang mga taon.