Buntis at menor-de-ead na pamangkin patay sa pananaksak sa Mandaluyong

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 18, 2018 - 06:59 AM

Patay ang mag-tiyahin makaraang pagsasaksakin ng isang suspek sa loob ng tinutuluyang condominium unit sa Barangay Ilaya, Mandaluyong City.

Natagpuan ng mga otoridad ang katawan ng buntis na si Maria Rosula Paunil, 40-anyos, at pamangkin nitong babae na isang grade 4 student na kapwa tadtad ng saksak.

Ayon kay Sr. Supt. Moises Villaceran, Lunes pa nangyari ang krimen pero Martes na ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng dalawa makaraang lumapit mismo sa mga pulis ang kaibigan ng suspek.

Si Benjamin Pardinez na live-in partner ni Paunil ang nasa likod ng krimen batay mismo sa kaibigan nito na nakunsensya kaya nagsumbong sa mga otoridad.

Crime of passion ang tinitignang anggulo sa krimen dahil mayroon umanong pinagseselosan ang suspek.

Nagkasa na ng manhunt operation laban kay Pardinez na nahaharap sa kasong dalawang bilang ng murder at unintentional abortion.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: crime, crime of passion, Mandaluyong City, Murder, crime, crime of passion, Mandaluyong City, Murder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.