Negros Oriental, Davao Oriental, Dinagat at Biliran, magkakasunod na niyanig ng lindol
Nakapagtala ng magkakasunod na pagyanig ang Phivolcs sa mga lalawigan ng Negros Oriental, Davao Oriental, Dinagat at Biliran, mula Miyerkules ng madaling araw
Unang naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa bayan ng Basay sa lalawigan ng Negros Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig sa 21 kilometers South ng Basay alas 2:05 ng madaling araw at mayroon itong lalim na 4 kilometers.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.8 na lindol sa bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental alas 3:03 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa 48 kilometers ng Governor Generoso.
May lalim itong 18 kilometers at tectonic ang origin.
Alas 3:47 naman ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 3.6 na lindol ang abyan ng Loreto sa Dinagat.
Ayon sa Phivolcs, 31 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.
Ang ikaapat na lindol ay naitala sa bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran.
Naganap ang lindol alas 5:12 ng madaling araw sa 2 kilometers South ng Naval.
Pawang hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong magkakasunod na pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.