Patuloy pa ring inaapula ng mga bumbero ang lumalaking wildfire sa western Oklahoma City sa Estados Unidos.
Sa huling tala ng mga otoridad ay dalawa na ang namatay dahil sa nasabing sunog na malapit nang pumalo sa historic level dahil sa lala ng kundisyon.
Ayon sa Nationa Weather Service, lumalala at lumalaki pa ang sunog dahil sa mainit na panahon, mababang humidity, at malakas na hangin na nararanasan sa nasabing lungsod.
Kasalukuyan ring nakararanas ng drought o tag-tuyo ang lugar kung saan sumiklab ang sunog.
Mahigit 990 square kilometers na ang tinupok ng apoy sa Leedey, habang mayroong isa pang sunog sa Woodward na aabot naman sa 275 square kilometers ang natupok.
Inaasahan naman na makararanas ng pag-uulan at thunderstorm sa Huwebes ng gabi at Biyernes sa southwestern Oklahoma at western north Texas na makatutulong sa pag-apula ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.