Pinakamainit na temperatura naitala kahapon sa Nueva Ecija

By Justinne Punsalang April 18, 2018 - 05:26 AM

Pumalo ng 51 degrees celsius ang heat index o nararamdamang init ng temperatura sa Cabanatuan, Nueva Ecija kahapon, April 17.

Ayon sa PAGASA, ito na ang pinakamainit na temperaturang kanilang naitala ngayong taon.

Kaya naman nagpaalala ang mga otoridad na palagiang uminom ng tubig, dahil mataas ang tiyansang makaranas ng heat stroke ang mga tao, dahil sa tindi ng init ng panahon.

Bukod pa ito sa iba pang mga sakit na posibleng dumapo sa mga mamamayan dahil sa mainit at maalinsangang temperatura sa bansa.

Samantala, kahapon din ay naging maulan ang Mindanao dahil sa pag-iral ng easterlies sa rehiyon.

Partikular na binaha ang Zamboanga City. Ngunit ayon sa mga residente, maituturing na ‘blessing’ ang malakas na pag-ulan dahil ilang araw na silang nirarasyunan lamang ng tubig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.