Mga beach resort na lumalabag sa environmental law pinadalhan ng notice ng DENR
Nagsimula na ang Department of Environment and Natural Resources ng pagbibigay ng mga notice sa mga establisemento na lumalabag sa environmental law sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sa Bicol Region, nasa 120 na mga beach resort at business establishment ang binigyan ng Notice of Violation dahil sa kawalan ng Environmental Compliance Certificate, Discharge Permit at Permit to Operate.
Sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, labing-apat naman ang binigyan ng Notice to Vacate ng DENR.
Binigyan ang mga ito ng 30-araw upang tanggalin ang mga istraktura na itinayo sa easement zone.
Sinuri na rin ng ahensya ang water disposal facility ng mga resort at iba pa upang mabatid na hindi ng mga ito nako-kontamina ang tubig sa dagat.
Ang hakbang na ito ng DENR ay kasabay ng naka takdang pagsasara ng Boracay Island para sa rehabilitasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.