Binanatan ng isang human rights group ang pag-aresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) kay Australian Missionary Sister Patricia Fox.
Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng grupong Karapatan, ang pag-aresto at pagkulong kay Sister Patricia ay malinaw na pagpapakita ng paghamak ng Duterte Administration sa karapatang pantao.
Ayon kay Palabay, si Sister Patricia ay isa sa mga dayuhang tumutulong sa magsasaka, mga manggagawa, indigenous people, at urban poor.
Dagdag pa ng grupong Karapatan, ang pagpapalaya kay Fox ay resulta ng pagsasama-sama ng religious groups, mga grupong magsasaka, human rights advocates, mga abogado, mga mambabatas, at lahat ng naniniwala na ang pagiging isang aktibista ay hindi isang krimen.
Matatandaang alas-3:30 ng hapon ng Martes nang palayain pansamantala ng Bureau of Immigration (BI) si Sister Patricia matapos mapatunayang kumpleto ang kanyang mga dokumento at may valid na missionary visa upang manatili dito sa Pilipinas.