Kabataang Maranao inspirasyon ni Anne Curtis sa sasalihang marathon

By Justinne Punsalang April 18, 2018 - 03:02 AM

Anne Curtis Instagram

Handa na si Anne Curtis na sumabak sa 42 kilometrong marathon para sa magaganap na London Marathon sa April 22.

Sa panayam ng Inquirer Entertainment, sinabi ng Kapamilya actress na gagamitin niyang inspirasyon para sa nasabing marathon ang mga kabataang Maranao.

Aniya, lahat ng kanyang malilikom na pera ay mapupunta para sa mga kabataang Maranao.

Sinabi pa ni Anne na bagaman tapos na ang giyera sa Marawi City ay hirap pa rin ang mga kabataan doon, partikular na sa kasalukuyan nilang estado sa buhay at pag-aaral.

2009 pa nang sinimulan ni Anne na suportahan ang United Nations Children’s Fund (Unicef) at sa katunayan ay pinangalan na siya bilang Unicef Celebrity Advocate for Children.

TAGS: Anne Curtis, Inquirer Entertainment, kabataang Maranao, marathon, unicef, Anne Curtis, Inquirer Entertainment, kabataang Maranao, marathon, unicef

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.