P2/minute additional charge ng Grab iligal ayon sa LTFRB
Iginiit ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na iligal ang pagsingil ng Grab Philippines ng P2 sa kada minuto ng byahe.
Sa pagdinig ngayong araw, sinabi ni LTFRB Chair Martin Delgra III na hindi tinalakay sa pagdinig noong December 2016 ang singil ng grab sa oras ng byahe.
Nanindigan naman ang Grab na ang P2 na singil sa kada minuto ng byahe ay batay sa Department Order (DO) 2015-11. Sa naturang kautusan, pinapayagan ang transport netwrok companies na magtakda ng pasahe nang may permiso ng LTFRB.
Gayunman, ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Representative Jericho Nograles, ang sinunond naman ng Grab ang DO inaprubahang pasahe ng LTFRB sa pagdinig noong December 2016, pero hindi idinulog ng TNC ang P2 kada minutong singil noong June 2017.
Si Nograles ang nagsiwalat na kailangan umanong i-refund ng Grab ang riders nito ng P1.8 bilyon dahil sa pagsingil ng P2 kada minuto sa nakalipas na limang buwan.
Ayon kay Delgra, pinagpapaliwanag ng ahensya ang Grab Philippines kung bakit nila ipinatupad ito, at kung ilang rides ang siningil ng P2 kada minuto.
Nakatakda ang susunod na pagdinig sa usapin sa May 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.