9 na senador lumagda sa committee report para sampahan ng kaso si ex-PNoy
Siyam na senador na ang lumagda sa draft committee report na naglalayong pasampahan ng kaso sina dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang matataas na opisyal ng kanyang administrasyon kaugnay Dengvaxia controversy.
Kabilang sa mga pinakabagong lumagda sa inihandang report ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon sina Senators Manny Pacquiao, Sherwin Gatchalian, at Grace Poe.
Sinabi nina Gatchalian at Poe na lumagda sila sa draft committee report na mayroong reservations sapagkat ayon kay Gatchalian hindi siya sumasang-ayon na sampahan ng kasong kriminal si Aquino.
Paliwanag nito si dating Health Secretary Janette Garin ang solong nagpatupad ng proyekto at hindi nito pinakinggan ang rekomendasyon ng mga DOH officials at experts na nag-aalala para implementasyon nito.
Nauna rito, lumagda na sa report sina Gordon, Senate Majority Leader Vicente Sotto III, Sens. Gringo Honasan, Juan Miguel Zubiri, JV Ejercito, at Nancy Binay.
Sinabi ni Gordon na inaasahan niyang lumagda sa report ang hindi bababa sa sampung mga kapwa senador.
Kapag nakakuha ng kinakailangang bilang ng lagda dadalhin ang committee report sa plenaryo ng Kamara upang doon isalang sa deliberasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.