2 patay sa pananambang sa Iligan City

By Rohanisa Abbas April 17, 2018 - 11:16 PM

Sa ikatlong araw ng election gun ban, patay sa pananambang ang dalawa katao sa Iligan City.

Binabagtas nina Richie Luna at Najib Mapandi liblib na lugar nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo ang kanilang sasakyan.

Dead on the spot si Luna na nasa passenger’s seat.

Minamaneho naman ni Mapandi ang sasakyan na bumangga sa isang nakaparadang trak.

Naisugod pa sa ospital si Mapandi ngunit namatay rin.

Ayon sa kamag-anak ni Luna, posibleng ang hindi nabayarang utang ni Mapandi ang motibo umano sa insidente.

Kinukunsidera naman ng mga otoridad ang pagkakasangkot umano ni Luna sa kalakalan ng iligal na droga bilang motibo sa pamamaril.

TAGS: Iligan City, Pananambang, Iligan City, Pananambang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.